Idinipensa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Pharmally Pharmaceutical Corporation at si dating presidential adviser Michael Yang, matapos bakbakan ang pagdinig ng senado sa umano’y overpriced medical supplies.
Nag alok din ang Pangulo na magbitiw sa tungkulin kapag napatunayang may katiwalian sa pagbili ng gobyerno ng face mask at face shield.
Ayon sa Pangulo, Motu Propio Investigation ang agenda ng Senate Blue Ribbon Committee at wala siyang pakialam sa pagbubisi ng mga senador sa technical at financial requirements ng Pharmally Corporation.
Ipinagtanggol din ng Pangulo si Yang matapos ihayag na natural lamang sa negosyante na tumutok sa ibat ibang bidding.
Binigyang diin ng Pangulo na malinaw na mayruong kontrata kung saan kumpleto ang specifications, quality at quantity, at nagbayad ang Pilipinas matapos mai deliver ang medical supplies.
Tinawag ding maldito ng Pangulo ang Kongreso sa imbestigasyon nito sa paggastos ng DOH sa COVID-19 funds kabilang ang pagbili sa umano’y overpriced medical goods.