Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sapat nang magkaroon ng isang presidente mula sa kanilang pamilya.
Ito’y makaraang tanungin sa posibleng pagtakbo ni Vice Presidente Sara Duterte bilang presidente sa 2028.
Ayon kay Duterte dapat bigyan naman ng pagkakataon ang ibang indibidwal na mamuno sa bansa.
Ipinunto ng dating pangulo na malakas ang tyansang manalo ni VP Sara dahil sa kaniya.
Gayunman, mas mabuti anya na ipaubaya na lamang muna ito sa iba.
Nabatid na anim sa 17 pangulo ng bansa ang nagmula sa political families ng Macapagal; Aquino at Marcos. - sa panulat ni Kat Gonzales