Nananawagan ng tulong sa national government ang lokal na pamahalaan ng Dilasag sa Aurora na nakaranas ng hagupit ng bagyong Lawin.
Ayon kay Dilasag, Aurora Mayor Joe Gorospe, nangangailangan ng relief goods ang kanyang mga kababayan lalo na ang mahigit 700 pamilyang inilikas at mga residenteng nakatira sa coastal area.
Sa ngayon ay isolated aniya ang kanilang bayan at maaari lamang maipadala ang mga relief sa pamamagitan ng chopper.
Bahagi ng pahayag ni Dilasag Aurora Mayor Joe Gorospe
Kasabay nito, umapela din si Gorospe sa national government na tulungan sila na magkaroon ng isang maayos na evacuation center.
Bahagi ng pahayag ni Dilasag Aurora Mayor Joe Gorospe
By Ralph Obina