Nakakatulong sa katawan ng isang indibidwal ang araw-araw na pagkain ng mga berde at dilaw na gulay.
Ayon sa mga health expert, ang mga dilaw at berdeng gulay ay sagana sa beta-carotene na nagiging vitamin a sa katawan ng tao.
Maganda din ito sa ating mga mata para mas madaling maka-adjust sa gabi o sa dilim ang ating mga paningin.
Bukod pa dito, nakakatulong din ito sa katawan ng mga bata para mas mapanatili ang malakas na resistensya at mailayo sa impeksiyon o anumang sakit. —sa panulat ni Angelica Doctolero