Agad ipatutupad ng Department of Interior Local Government ang dismissal order laban kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sakaling ilabas na ito ng Office of the Ombudsman.
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Ernesto Abella makaraang sibakin ng Ombudsman si Mabilog dahil sa kasong serious dishonesty kaugnay sa hindi umano maipaliwanag na yaman.
Ayon kay Abella, sa oras na matanggap ng D.I.L.G. ang kautusan ay maaari na itong magdesisyon kung kailan manunumpa ang tatayong Officer- in-Charge o O.I.C. ng Iloilo City na hahalili kay Mabilog.
Habang-buhay ding diniskwalipika ng tanodbayan ang alkalde sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.