Itinanggi ni Department of Interior and Local Government o DILG Assistant Secretary Epimaco Densing na pinondohan ng gobyerno ang idinaos na Palit-Bise Rally sa Luneta.
Sinabi sa DWIZ ni Densing na halos P2-M ang naipong pondo ng organizers para sa idinaos na rally at malaking bahagi nito ay mula sa mga OFW o Overseas Filipino Workers.
Binigyang diin ni Densing na wala sa prinsipyo ng Pangulong Rodrigo Duterte na mag pondo ng mga ganitong pagtitipon na aniya’y patunay lamang na marami ang nadismaya sa ginawang video ni Vice President Leni Robredo na tumutuligsa sa kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno.
PAKINGGAN: Pahayag ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing sa panayam ng DWIZ
By Judith Larino