Inatasan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police na pansamantala munang ihinto ang pag-aresto sa mga heinous crime convicts na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi pa natatanggap ng pulisya ang malinis nang listahan ng mga pangalan ng convicts na napalaya sa GCTA.
Sa kabila nito ay tiniyak ni Año sa publiko na magpapatuloy ang pagmomonitor ng police tracker teams sa aktibidad ng mga convicts na bigong sumuko bago mag-Setyembre 19.