Kasado na ang isasagawang ‘public consultation’ sa Baguio City ng Department of Interior and Local Government at Consultative Committee kaugnay sa binubuong draft ng bagong saligang batas o “Federal Charter” ngayong araw.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya , sesentro ang talakayan sa nasabing konsultasyon para sa mga plano sa rehiyon ng Cordillera.
Nakasaad sa Section 15 ng kasalukuyang konstitusyon, ang pagbuo sa Cordillera at Autonomous Region in Muslim Mindanao bilang rehiyon para sa minority groups.
Kasamang haharap ng opisyal sa mga taga-Baguio, ang mga miyembro ng Con-Com na sina Professsor Ramon Casiple at Gary olivar ng PDP-Laban Federalism Institute.
Una rito , umabot sa halos walong libo katao ang dumalo sa unang araw ng “public consultation” ng federal charter sa Dumaguete City sa Negros Oriental nuong June 18.