Hindi pa siguradong POGO-free na ang Pilipinas.
Ito ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, ay sa kabila ng deadline na ibinigay ng pamahalaan noong katapusan ng 2024 kung saan dapat ay tigil-operasyon at sarado na ang lahat ng POGO sa bansa.
Ayon kay Secretary Remulla, patuloy pa rin nilang inaalam kung nagsara na ang lahat ng POGO sa bansa.
Sa kasalukuyan, mayroon pa aniyang 400 foreign POGO workers ang nakakulong sa bansa at nakatakdang ipa-deport sa lalong madaling panahon.
Kaugnay nito, hindi pa matukoy ng DILG Secretary kung nakaalis na ang lahat ng dayuhang trabahador ng POGO na nag-downgrade ng visa. - Sa panulat ni John riz Calata