Dumistansya ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa usapin ng umanoy pagiging miyembro ni Undersecretary Martin Diño sa Philippine Coastguard Auxiliary.
Gayunman sinabi ni DILG Spokesman Jonathan Malaya na igagalang nila ang magiging hakbang ng coastguard hinggil sa nasabing usapin.
Binatikos sa Social Media si Diño matapos nitong i post sa kaniyang Facebook page ang kaniyang litrato na nakasuot ng uniporme ng isang rear admiral ng PCG Auxiliary.
Una nang inihayag ng coastguard na hindi dapat magsuot ng nasabing uniporme si Diño dahil hindi ito lehitimong miyembro ng PCG auxiliary.
Pagre recruit kay DILG Usec. Dinio idinipensa ng PH Coastguard Auxiliary
Idinipensa ng lider ng Philippine Coastguard Auxiliary ang pagre recruit kay DILG Undersecretary Martin Diño.
Ayon kay Rear Admiral Wilfredo Fred Villanueva unang una ay hindi bogus o peke ang kanilang grupo na pinaka una aniyang auxiliary group na itinatag sa loob ng coastguard.
Ipinabatid pa ni Villanueva na rehistrado ang 101st Manila Yacht Club Squadron sa Securities and Exchange Commission nuon pang March 1973 at nitong nakalipas na buwan ng Enero ay ika 25 miyembro na si Diño.
Inamin naman ni Villanueva na nagkaruon ng sigalot sa ilang miyembro ng grupo kayat na kick out sa Manila Yacht Club ang ilang kasapi nila.
Inakusahan naman ni Villanueva si PCG Auxiliary National Director Valentin Prieto na nagnakaw ng mga papeles at kalaunan ay bumuo ng sariling 101st squadron na siya aniyang kinikilala ng coastguard.
RPE