Whole of nation approach ang ikakasa ng gobyerno sa paglulunsad ng bagong Anti -Drug War.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni DILG Secretary Benhur Abalos matapos ilunsad ang Buhay ay Ingatan, Droga ay Iwasan (BIDA) Campaign.
Habang yung puno may branches ‘yan, may sanga miski putulin mo ng putulin ‘yan hindi malayong baka lang, may tumubong iba na naman kailangan ugatin mo.
Yung puno ay parang problema ng droga, habang tinatanggal natin ang sanga at may tumutubong hinuhuli pa inuugat naman natin ang problema at andiyan lahat ng ahensiya ng gobyerno ang DOLE tutulong andiyan ang DTI, DOH, DSWD at iba pa para naman to make sure on the ground hanggang barangay level… in short its a whole nation approach…”
Ipinagmalaki ni Abalos ang mga malalaking isdang natimbog ng mga otoridad sa Anti Drug Campaign sa nakalipas na apat na buwan kaya’t dapat itong palakasin pa.