Pagpapaliwanagin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ilang local government units (LGUs) kung bakit hindi naabot ng mga ito ang target o kung bakit nagkaroon ng mga nasayang bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, isinasailalim pa nila sa validation ang mga report hinggil dito mula sa national vaccination operations center.
Aniya, ilalabas ang show cause order sa mga concerned LGUs sa oras na aprubahan ito ni Interior Secretary Eduardo Año.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DILG na patawan ng kaukulang parusa ang LGUs na nagkaroon ng problema sa kanilang COVID-19 vaccination roll-out. —sa panulat ni Hya Ludivico