Ginarantiyahan ng Deparment of Interior and Local Government (DILG) ang pagkilala sa karapatang pantao ng mamamayan sa harap ng umiiral na enhanced community quarantine.
Tiniyak ito ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa harap ng pahayag ng isa pang undersecretary ng DILG na walang karapatang pantao ngayon dahil nasa ilalim tayo ng state of emergency.
Binigyang diin ni malaya na umiiral pa rin ang bill of rights dahil hindi naman martial law ang public health emergency at enhanced community quarantine sa Luzon.