Handang kasuhan ng Department of the Interior and Local Government ang mga LGUs kung may masasayang na mga bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sasampahan nila ng kaso ang mga lokal na gobyerno kapag mayroong nasayang o nag-expire na mga bakuna.
Kaugnay ito sa ulat ng DOH noong Oktubre 18, na 13,000 ang bakunang naaksaya nang magsimula ang National COVID-19 Immunization Drive noong Marso.
Giit ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje,isa sa mga dahilan nito ang hindi maayos na imbakan at mga di sadyang natapon na bakuna. —sa panulat ni Airiam Sancho