Hindi muna kukuha ng karagdagang contact tracers ngayong taon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa kakulangan ng pondo.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nasa P250 milyon lamang ang inilaang pondo ngayong taon na hindi sasapat para i-cover ang nasa 15,000 contact tracers na na-hire noong 2021.
Dahil dito, hinimok muna ni Malaya ang local government units na pasanin ang gastos.
Mas marami kasi aniyang pondo ang mga ito sa ilalim ng Mandanas ruling. — Sa panulat ni Abby Malanday