Hindi sang-ayon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa posibleng pagkakaroon ng face-to-face classes sa mga paaralan ngayong panahon ng pandemya.
Giit ni DILG Secretary Eduardo Año, hindi pa akma sa kasalukuyang sitwasyon ang nasabing teaching method at posible pa aniyang maging dahilan ito ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Matatandaan na sa Senate hearing kamakailan ay nagpahayag ng suporta si Sen. Sherwin Gatchalian sa posibilidad ng pagkakaroon ng localized at limited face-to-face learning workshops upang maibsan ang hirap na nararanasan ng mga magulang sa pagtuturo sa kanilang mga anak.