Hinikayat ng Department of Interior and Local Government ang Commission on Elections na sanayin pa ang mga guro na magsisilbing Board of Election Inspector sa Barangay at Sangguniang Kabataan polls sa Mayo 14.
Ayon kay D.I.L.G. Spokesman, Assistant-Secretary Jonathan Malaya, may nakausap siyang mga guro sa Pangasinan na humihingi ng special training sa mga gagamiting balota sa halalan.
Taong 2013 pa anya huling nagkaroon ng manu-manong eleksyon.
Ipinaliwanag ni malaya na mahalagang masanay ng maigi ang mga gurong magsisilbing B.E.I. sa iba’t ibang klase ng aberya lalo’t sila ang unang makararamdam ng pressure mula sa mga poll watcher, mga taga-suporta ng mga kandidato at botante.