Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay na maglatag ng sarili nilang isolation centers at mas palakasin pa ang kanilang health emergency response laban sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa isang special meeting na ipinatawag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Davao City, binigyang diin ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat mayroong limang isolation beds sa bawat 1,000 populasyon ng barangay.
Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng mga isolation units upang agad na maihiwalay sa mga walang sakit ang mga pasyente na mayroong mild symptoms ng COVID-19 at asymptomatic.