Hinikayat ni Interior Secretary Eduardo Año ang publiko na magparehistro na sa staysafe.ph na ginagamit ng mga local government unit bilang contact tracing app.
Ayon kay Año, nasa kabuuang 1,634 o 84% na LGU’s sa Metro Manila ang gumagamit ng naturang app partikular na sa mga establisyimento at restaurants.
Sinabi ni Año na mahalaga ang pagrerehistro sa Staysafe app upang mamonitor ang lugar na pinupuntahan ng bawat isang indibidwal kung saan, 56 na indibidwal na ang nakitang lumabag o nagpunta sa ibat-ibang probinsya.
Dagdag pa ni Año, mas nabibigyan ng abiso at impormasyon ang mga LGU sa probinsya para makapaghanda laban sa nakakahawang sakit.
“a total of 123,003 organizations, government offices, companies and lgu’s po ang gumagamit ng ating staysafe philippines contact tracing app. 8.9 million registered user nakapag-generate ng 7.07 qr codes at nakapagscan ng 22, 994,866 QR scanner. hinihimok natin ang ating kababayan na mag-register sa Staysafe philippines contact tracing application. ” – Interior Secretary, Eduardo Año
—sa panulat ni Angelica Doctolero