Hinimok ng DILG ang local government units para isulong ang clean up campaign laban sa dengue.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na nakaka alarma ang patuloy na paglobo ng kaso ng dengue kaya’t kailangan na ring kumilos ang LGUs.
Ayon kay Año, pinakilos na niya ang local officials para makipag ugnayan sa mga kinatawan ng DOH sa pagtukoy sa breeding areas at pag aralan ang mga dapat na gawin para ma contain ang mga lamok at hindi na makapagkalat pa ng virus na nagdudulot ng dengue.
Sinabihan din ni Año ang LGUs na himukin ang mga residente na makiisa sa clean up drives.