Hinimok ng DILG ang mga alkalde na makipag ugnayan sa mga may ari ng mga bakanteng lote para mai-convert ang mga lupaing ito bilang pay parking areas, PUV terminals at espasyo para sa mga sasakyang apektado ng clearing operations.
Ang nasabing hakbang ayon kay DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya ay win-win solution para maibsan ang matinding trapiko sa Metro Manila.
Ito aniya ay dahil kikita pa ang mga land owners mula sa mga hindi napapakinabangang lupa habang ang Local Government Units naman ay may lugar para sa mga sasakyang nakakaharang sa daan.
Sa katunayan ipinabatid ni Malaya na iko-convert ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang idle lots na pag aari ng City Government para sa pay parking.
Dapat aniyang maging matalino ang local officials para mahimok ang private land owners na makiisa upang maibsan ang matinding trapiko tulad ng pagbibigay ng diskuwento sa pagbabayad ng business permits at iba pang regulatory fee sa mga may ari ng lupa.