Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang publiko na i-report sa mga otoridad ang mga insidente ng vote buying sa kani-kanilang mga lugar.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kinakailangan ng pamahalaan ang tulong publiko para masugpo ang nasabing gawain.
Aniya, kung walang magrereklamo laban sa nangyayaring vote buying, hindi magagawa ng pamahalaan na pigilan ito.
Sinabi ni Malaya, maaaring ireport ng mga concerned citiens ang mga nasaksihang insidente ng pagbili ng boto sa tanggapan ng Comelec sa kanilang lugar, pulisya o sa NBI.
Aniya, kinakailangan lamang gumawa ng notarized affidavit ng mga magsusumbong kalakip ng mga ebidensiya.