Ibinabala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipaaaresto ang mga indibidwal na lalabag sa pagsusuot ng facemask sa Cebu.
Ito’y kasunod ng inisyu na executive order 16 na nilagdaan ni Cebu Governor Gwen Garcia na naglalayong gawing opsyonal ng publiko ang pagsusuot ng face mask sa labas kung walang sintomas ng COVID-19 ang mga ito.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na mandatory pa rin na ipinatutupad ng pamahalaan ang pasusuot ng facemask sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Giit ni Año, walang legal na basehan ang hakbang na ito ng Cebu government, sabay sabing ang polisiya Ng Local Government Units ay dapat na naka-angkla sa polisiya ng national government at mga pahayag ng pangulo at nakasaad sa saligang batas.
Dagdag ni Año, kung magmamatigas ang mga indibidwal hinggil sa naturang isyu ay maaaring arestuhin ng pambansang kapulisan.
Ipinabatid naman ng department of health na hindi pa ito ang tamang oras at panahon para bawiin ang sapilitang pagsusuot ng facemask lalo pa’t may ilang COVID-19 subvariant ang natuklasan sa bansa.