Iniimbestigahan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 10 alkalde na di umano’y absent sa kanilang bayan nuong panahon ng Bagyong Ompong.
Ayon kay DILG Usec. for peace and order Bernardo Florece Jr., hawak na nila ang pangalan ng naturang mga mayor na mula sa Region 2 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa oras aniya na mapatunayan na absent ang naturang mga lokal na opisyal sa kanilang mga nasasakupan nuong panahon ng bagyo ay bibigyan sila ng show cause order para pagpaliwanagin.
Ayon kay Bureau of Local Government Supervision Director Atty. Odilon Pasaraba, sakaling mapatunayang nagkasala ay posibleng ma-dismiss ang mag ito pwesto at sampahan ng kasong kriminal.