Ikinatuwa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduaro Año ang pagsunod ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa sa inilabas nilang kautusan.
Ito’y salig sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang SONA noong Hulyo na nag-aatas sa mga Alkalde na linisin ang kanilang mga kalsada mula sa mga nakapagpapasikip sa daloy ng trapiko.
Ayon kay Año, nangunguna ang Metro Manila sa mga rehiyon sa bansa na nakatugon sa itinakdang 60 days deadline ng DILG kung saan, ang nangunguna sa mga ito ang lungsod ng Marikina, sinundan ng Valenzuela, Malabon, Navotas, San Juan at bayan ng Pateros.
Tila nahuhuli naman ang Quezon City na ayon kay Año ay katanggap-tanggap at naiintindihan niya dahil sa napakalaki ng land area ng nasabing lungsod.
Gayunman, sinabi ng kalihim na bagama’t ini-uulat sa kaniya ng iba’t ibang lungsod at bayan sa buong bansa na nakasunod sila sa direktiba ng DILG, isasailalim pa rin nila ito sa verification upang matiyak kung totoo ba o hindi ang naturang mga ulat.
With report from Jaymark Dagala