Inihayag ng Department of Interior and Local Government o DILG na ikinu-konsidera nito ang lahat ng mga posibilidad sa ginagawang imbestigasyon hinggil sa alegasyon na nanghimasok si PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa kaso ng mga “ninja cops” noong siya’y nanungkulan bilang Pampanga police provincial director.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, maliban sa alegasyon na protektor ng mga tiwaling pulis si Albayalde, sisilipin din ng kanilang tanggapan ang isiniwalat ng PNP chief na may kinalaman ang mga atake sa kanya sa nalalapit niyang pagreretiro.
Gayunman, tiniyak ni Malaya na magiging batas at ibabase lamang sa mga makakalap na ebidensya ang imbestigasyon nila kaugnay ng naturang usapin.