Mas marami pang indibidwal o personalidad na dawit sa illegal drug trade ang mabubunyag sa mga susunod na araw.
Tiniyak ito ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno dahil araw-araw ay nadadagdagan ang listahan nila ng local officials na may kinalaman sa operasyon ng iligal na droga.
Sinabi ni Sueno na ilalabas nila ang naturang listahan bago mag-July 20
Kasabay nito, ipinabatid ni Sueno na bubuhayin nila ang kampanya kontra jueteng.
By Judith Larino