Iminungkahi ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG) na pag-aralang mabuti ang panukalang pagsasa-legal ng paggamit ng medical marijuana.
Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos nitong sabado na suriin kung ito ay talagang makatutulong dahil maaaring maabuso ang paggamit nito.
Dinepensahan naman ni Dr. Donnabel Trias-Cunanan, presidente at tagapagsalita ng Cannahopefuls Inc., sa harap ng Senate Subcommittee on Health and Demography, ang Senate Bill 230 o an Act Granting Access to medical cannabis as a compassionate alternative means of medical treatment.
Isinusulong kasi ni Cunanan ang paggamit ng Cannabis sa medikal na dahilan matapos madiagnose ng anak nito ng epilepsy, global developmental delay at cerebral palsy.
Mababatid na sinasabing maaaring maging kapaki-pakinabang ang medical cannabis sa paggamot sa mga sakit na nabanggit. - sa panunulat ni Hannah Oledan