Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government o DILG na patawan ng parusa ang mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na hindi agarang nagbabakuna sa kanilang nasasakupan.
Sa talk to the people, sinabi ng Pangulo na nais niyang papanagutin ang mga local chief executives na bigong gampanan ang bahagi sa vaccination rollout sa bansa.
Kaugnay nito, sinabi rin ng Pangulo na kaniyang inatasan ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na umasiste sa mga LGU partikular sa pagbyahe ng mga bakuna sa bawat lugar.
Ito aniya ay para maabot ang target na 1 milyong jabs o higit pa kada araw.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico mula sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29)