Iniimbestigahan na ng Department of Interior and Local Government o DILG ang ilang insidente ng mass gathering.
Sa kanyang presentasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte, partikular na tinukoy ni Interior Secretary Eduardo Año ang boxing incident sa Tondo, Maynila.
Pinagpapaliwanag na ng kagawaran ang opisyal ng barangay na si Alfredo Garcia na posibleng ipagharap ng reklamo dahil sa nasabing insidente.
Iimbestigahan din si Barangay Chairman Roderick Lavarro sa Calauag, Quezon Province dahil umano sa pagpapahintulot na magkaroon ng mass gathering.
“Ang unang insidente ay patungkol sa naganap na street party noong ikalabing siyam ng Hunyo sa Brgy Singko, Calauag, Quezon Province at ang pangalawa ay ang patungkol naman sa boxing match na ginanap noong ikadalawampo’t isa ng Hunyo sa Brgy 38 Zone 2 District 1, Tondo, City of Manila at kasalukuyan po ang ginagawa nating imbestigasyon.” ani Ano.