Iniimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y pamamahagi ng finacial assistance sa gitna ng kampaniya ng mga kandidato para sa 2022 elections.
Ito ay kasunod ng ipinatutupad na election spending ban at task force kontra bigay kung saan, kinakailangan muna ng clearance sa komisyon bago ang pamamahagi ng ayuda.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, limitado lamang ang pamamahagi ng ayuda mula sa gobyerno sa panahon ng eleksiyon.
Sinabi ni Año na ang katulad lamang ng 4Ps ang pinapayagang ipamahagi sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Sa kabila nito, nanawagan ang kalihim na kumpletuhin muna ang mga detalye na ini-rereport sa kanilang ahensya para mayroong matibay na ebidensya at basehan kaugnay sa pamamahagi ng ayuda. – sa panulat ni Angelica Doctolero