Pinatitipon ng Pangulong Rodrigo Duterte kay DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng locally stranded individuals (LSI) na nasa airport at ba pang lugar at dalhin sa isang maayos na matutuluyan.
Kasunod na rin ito ng pangako ng Pangulong Duterte na akuin ang gastusin sa titirhan at pagkain ng mga LSI.
Kasabay nito pinakilos ng Pangulo si Transportation Secretary Arthur Tugade na alisin ang mga restaurant sa harap ng NAIA dahil wala na aniyang maupuan ang mga pasahero.
Kung may pagkakataon, pinate-terminate ng Pangulo kay Tugade ang kontrata ng mga nasabing restaurant na dapat na palitan ng mga upuan para sa mga pasahero partikular ang mga buntis at mayroong mga kasamang bata at matatanda.