Ipasasara agad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sakaling lumabag ang mga ito sa mga protocols ng quarantine.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, mayroon na silang special teams para tingnan kung sumusunod sa protocols ang mga mga POGO hub.
Magdaragdag rin anya sila ng mga pulis sa mga POGO hubs upang magbantay at magtatatag ng special desk na tatanggap ng mga reklamo laban sa POGO.
Sa kasalukuyan, mayroong 60 ang mayroong POGO license samantalang nasa 200 naman ang service providers.