Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsasagawa ng contact tracing sa lungsod ng Caloocan.
Ito’y matapos na dagsain ng mga ‘usi’ o mga usisero at usisera ang hostage taking incident sa lungsod.
Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretrary Eduardo Año, nakakabahala ang naganap na ‘unnecessary’ mass gathering na bawal ngayong panahon dahil may banta ng virus.
Giit pa nito na dapat agad itong tutukan ng mga lokala na awtoridad gaya ng mga barangay para maiwasan ang transmission ng COVID-19 lalo ng mga variants nito.
Mababatid na nitong nakaraang Biyernes ay hinostage ng isang lalaki ang biktimang menor-de-edad sa bahagi ng C3 road sa Caloocan City kung saan dinumog ng mga tao