Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na itigil ang pag-aanunsyo ng brand ng bakuna na gagamitin sa partikular na vaccination center upang maiwasan ang mass gatherings.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang naturang hakbang ay inirekomenda ng Department of Health (DOH) matapos dagsain ng mga residente ang vaccination sites kung saan mayroong Pfizer vaccines na iniaalok.
Para maiwasan aniya ito napagdesisyunan na huwag nang ianunsyo ang bakunang ibibigay at sa mga gustong magpabakuna ay magtungo na lamang sa malapit sa kanilang facility at tanggapin kung anomang bakuna ang available.
Tiniyak naman ni Año na ipapaalam din sa mga magpapabakuna ang ituturok sa kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine mismo sa vaccination site.