Irerekomenda ni Department of Interior and Local Government (DILG) Offiece-in-Charge Eduardo Año ang disqualification sa 2019 election ng halos 600 local official na sangkot sa operasyon ng iligal na droga at iba pang katiwalian.
Kabilang sa nasabing bilang, ayon kay Año ang tatlong daang opisyal na na relieve o sinuspindi dahil sa katiwalian, halos 200 naman ang iniimbestigahan at 93 iba pa na iniuugnay sa illegal drugs.
Sinabi ni Año na bahala na ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga naturang local official subalit kailangang timbangin ang pagkakasangkot ng mga ito sa katiwalian partikular sa iligal na droga at maaaring magamit ang drug money na pambili ng boto.
Gagawin aniya nila ang kanilang trabaho para mabigyang babala ang COMELEC laban sa mga tiwaling kandidato.