Sasampahan ng kaso ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga Barangay official na nanamantala sa pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Ito’y ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ipinagbabawal ang sinumang lokal na opisyal o pulitiko sa pamamahagi ng ayuda, in cash man ito o in kind.
Ipinagbawal ng DILG ang paglalagay ng pangalawa o kahit pa initials sa mga pamimigay ng ayuda.
Hindi rin maaaring maglagay ng mga larawan o logo ng sinumang pulitiko sa sobreng paglalagyan ng ayuda o kahit sa plastik na gagamitin kung groceries ang ipamamahagi sa mga mamamayan.
Bukod dito, hindi rin pinapayagan ang maglagay ng mga tarpaulin kung saan mababasa ang mga pangalan ng pulitiko o lokal na opisyal.— sa panulat ni Rashid Locsin