Sinegundahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang posisyon ng Philippine National Police (PNP) na may paglabag si Lt. Col. Jovie Espenido nang magpress conference ito tungkol sa pagkakasama nya sa ‘narco list’.
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, sumang-ayon noon si Espenido kasama ang mahigit 300 iba pa na nasama sa narco list na hindi sila magsasalita habang sumasailalim sa adjudication process.
Gayunman, sinabi ni Año na ipinauubaya na nya kay PNP chief General Archie Gamboa kung anong parusa ang gagawin nya sa paglabag ni Espenido sa gag order.
Una nang sinabi ni Gamboa na magkakaroon ng internal investigation laban kay Espenido.