Kumpiyansa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na handa na ang Metro Manila na magbaba ng alert level system ng quarantine status sa rehiyon.
Ito’y dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, mula sa alert level 4 posibleng ibaba na sa alert level 3 ang NCR at hinihintay na lamang ang pormal na anunsyo nito mula sa Department of Health.
Ani ni Malaya, maganda ang nagiging pagbaba ng reproductive rate, positivity rate at 7-day average attack rate ratio sa Metro Manila.