Nagkasundo ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Local Government Units (LGU) na magkaroon ng iisang panuntunan sa pagpapauwi ng locally stranded individuals at localized lockdown.
Ini-report ito ni DILG Secretary Eduardo Año sa kanilang pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Año, nagkasundo rin silang magkaroon ng iisang galaw sa pagpapatupad ng health standards, kung ilang araw dapat ikulong ang mga hindi nagsusuot ng mask at hindi sumusunod sa physical distancing.
Bumuo na rin anya sila ng Coordinated Operations To Defeat Epidemic (CODE) na syang tutulong sa mga alkalde sa pagpapatupad ng localized lockdown.
Pupunta naman kami sa ibaba at yung mga partikular na mga city hanggang barangay na dapat ila-lockdown ay meron kaming tinatawag na code teams; ito yung Coordinated Operation to Defeat Epidemic. Yung mga expert ay pupunta sa baba at tutulungan talaga ang ating mga Mayor sa pagpapatupad,” ani Año.