Maglalabas ng bagong memorandum ang Department of Local and Interior Government o DILG hinggil sa pagtatapon ng basura.
Ayon kay Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño, maraming mga batas tungkol sa basura ang hindi naipapatupad.
Maraming batas aniya sa bansa ngunit ang problema ay ang implementasyon nito.
Lalamanin ng memorandum ang patuloy na pagbabawal sa pagtatapon ng basura sa ilog, estero, kanal at iba pang lugar
Ilalabas muli ito sa mga local chief executives sa buong bansa.
“Sa ngayon ay maglalabas kami ng memorandum circular. Ito naman ay para ipa implement nila yung pagbabawal na magtapon ng basura sa estero, kanal, dagat, ilog. Pag hindi mo ipinatupad yan, ayon sa batas, may sanction si mayor, may sanction si governor, at may sanction si kapitan,” ani Diño — sa panayam ng Todong Nationwide Talakayan