Maglalabas na ang Department of Interior and Local Government ng guidelines sa mga Local Government Unit kaugnay sa mga aktibidad ng mga kandidato bago ang paglarga ng Campaign Period sa Pebrero.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ilalatag sa guidelines ang mga bawal at dapat ipagbawal tuwing may Caravan at Motorcade.
Bukod sa Traffic Congestion, napansin sa ilang Caravans at Motorcades na may mga taong lumalabag sa health protocols, tulad ng physical distancing.
Napagkasunduan anya, na ang mga Motorcade at Caravan ay dapat saklaw ng ilang guidelines at may designated lanes ang dapat okupahin.
Batay sa Calendar of Activities ng Commission on Elections, magsisimula ang campaign period sa February 8 para sa National candidates at March 25 para sa Local candidates.