May niluluto naman ang DILG o Department of Interior and Local Government na bagong paraan para linisin ang bawat komunidad laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng sticker.
Ito’y matapos suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Oplan Tokhang dahil sa sinasabing pag-abuso ng ilang pulis.
Ayon kay Interior Secretary Ismael Sueno, lalagyan ng sticker ang mga tahanan na drug-free o walang miyembro ng pamilya na sangkot sa ipinagbabawal na droga.
Naniniwala si Sueno na nagsisimula sa tahanan ang pagbabago at ang bagong hakbang na ito ay makatutulong sa mga miyembro ng komunidad upang lumayo sa iligal na droga.
By: Jelbert Perdez