Mahigpit na ipatutupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang gun ban at pagbabawal sa paggamit ng mga bodyguards ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Ito ang tiniyak ni DILG Officer In Charge Secretary Eduardo Año kung saan kanya nang inatasan ang Philippine National Police (PNP) na ihanda na ang recall letters para sa kanilang mga tauhan na nakatalaga sa mga opisyal at kandidato.
Dagdag ni Año ipadadala ang mga nasabing recall letters bago ang election period nag magsisimula sa a-14 ng Abril at tatagal hanggang a-21 ng Mayo.
Sinabi pa ni Año, mahigpit na rin silang nakikipag-ugnayan sa Commission on Elections (COMELEC) para sa pagpapatupad ng nasabing ban.
Tinyak din ni Año na magiging alerto ang DILG laban sa mga aktibidad tulad ng vote buying at selling.