Huwag magpakasaya….
Ito ang babala ni Department of Interior and Local Government o DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño Diño sa mga nanalong opisyal ng barangay na sangkot sa iligal na droga.
Sa panayam ng DWIZ, inihayag ni Diño na mahigpit na nakabantay ang DILG sa galaw ng mga naturang ‘narco-barangay officials’.
Ayon kay Diño, mula sa dalawandaan at pitong (207) tumakbong narco-barangay officials, isandaan at labin lima (115) dito ang nanalo sa nagdaang eleksyon.
“Mga nanalo na nasa ‘narco-list’, hindi porke’t nanalo na kayo ay ligtas na kayo, lalo ko kayong babantayan.” Ani Diño
Mga nanalong opisyal ng barangay isasalang sa seminar ng DILG
Samantala, isasalang ng DILG sa seminar ang lahat ng mga nanalong kapitan ng barangay sa nagdaang eleksyon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, maraming tungkulin na dapat gampanan sa komunidad ang mga opisyal ng barangay.
Sa naturang seminar aniya ay muling ipapaalala ng DILG ang mga responsibilidad ng mga barangay kapitan.
“Sila ang mangunguna sa campaign against illegal drugs and criminality, sa paglilinis ng barangay, sa waste disposal, sa paglilinis ng ilog at estero, sa kampanya sa traffic, sila ang mangunguna sa council for the protection of children, pati ‘yung pag-iisyu ng permit sa barangay, na hindi sila mangongotong dahil babantayan namin ‘yan, at dapat maging business friendly sila. Dagdag ni Diño
Samantala, binibigyan ni Diño ng dalawang linggo ang mga kapitan na bumuo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC.
“May timeline ito, hindi puwedeng sa isnag taon kayo magsu-submit, kailangan within two weeks ay mag-submit kayo ng composition ng BADAC, ang plano ko kung puwede silang mag-submit ng monthly o quarterly ng reports para at least lagi tayong may bagong listahan.” Pahayag ni Diño
(Balitang Todong Lakas Interview)