Binigyan ng palugit ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga local government units (LGUs) ng hanggang sa katapusan ng Abril.
Ito ay para sa kumpletong pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryong pamilya ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, wala nang dahilan para hindi matanggap ng mga pamilya ang tulong pinansiyal mula sa gobyerno dahil halos naibigay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga LGUs ang pondo.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Año ang mga LGUs hinggil sa kanilang nilagdaang kasunduan sa DSWD para sa mga kinakailangang sunding panuntunan sa pamamahagi ng tulong pinansiyal sa ilalim sa SAP.
Sinabi ng kalahim, may mga natatanggap pa rin aniya siyang ulat kaugnay sa mga low income families na hindi pa rin nakatatanggap ng ayuda.