Inihayag ngayon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueno na mayroong sapat na ebidensya laban sa dalawa sa tatlong active ranking officials na iniuugnay sa iligal na droga.
Pero, tumanggi si Sueno na tukuyin kung sino ang dalawang nabanggit na police officials.
Ayon sa Kalihim, isinasapinal pa nila ang reklamo at inasahang maisasampa ito sa susunod na linggo.
Nauna nang inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Police Director Joel Pagdilao at Chief Superintendents Edgardo Tinio at Bernardo Diaz na umano’y protektor ng illegal drug syndicates.
Mariin namang pinabulaanan ng tatlo ang pagkakasangkot nila sa iligal na aktibidad.
By Meann Tanbio