May suspek na ang DILG o Department of Interior and Local Government kung sino ang utak ng pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo sa loob mismo ng Kampo Krame.
Gayunman, tumanggi si DILG Secretary Mike Sueno na tukuyin ang pangalan ng suspek dahil kasalukuyan pa ang imbestigasyon.
Ayon kay Sueno, gagamitin nila ang intelligence group upang manmanan ang mga pulis na posibleng bahagi ng sindikato ng ‘tokhang for ransom’ na kinasasangkutan ni SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Bahagi ng pahayag ni DILG SEcretary Mike Sueno
Kasabay nito sinabi ni Sueno na maituturing na ‘wake up call’ sa Philippine National Police (PNP) ang kaso ni Jee.
Aminado ang kalihim na nagkulang sila sa intelligence gathering dahil kamakailan lamang nakarating sa kanila ang impormasyon ng pagpatay kay Jee Ick Joo na naganap noon pang Oktubre.
Ito, anya ang dahilan kaya’t inirekomenda nila na magtatag ng isang na dibisyon na kahalintulad ng binuwag na Philippine Anti-Organized Crime Task Force.
Bahagi ng pahayag ni DILG Secretary Mike Sueno
By Drew Nacino | Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)