Tiniyak ng DILG o Department of Interior and Local Government na may kalalagyan ang mga pabayang pulis na natutulog lamang o di kaya’y nag-iinuman habang nagtatrabaho.
Ito’y makaraang makarating kay DILG OIC o Officer In Charge Usec. Eduardo Año ang ginawang surprise inspection ng NCRPO sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa Metro Manila.
Ayon kay Año, kahiya-hiya ang mga pulis na nahuling hindi ginagampanan ang kanilang trabaho sa kabila ng dobladong suweldong kanilang tinatanggap na pawang nagmula naman sa buwis ng taumbayan.
Hindi aniya karapat-dapat tawaging kawal ng bayan ang mga pabayang pulis at sa halip ay dapat lamang na patawan sila ng karampatang parusa sa ilalim ng batas dahil sa pagiging tiwali at tamad.
Posted by: Robert Eugenio