Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato at taga-suporta nito na huwag kalimutan ang pagsunod sa COVID-19 minimum public health standards hanggang sa mismong araw ng halalan.
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, hinimok din nila ang mga organizer na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para matiyak na maayos na ipinapatupad ang nabanggit na health protocol.
Tiniyak naman ng kagawaran na handa ang kanilang mga tauhan para sa naturang eleksyon.